Sabado, Disyembre 28, 2013

SENTI-SONG

minsan ang sarap magpaka-senti, lalo na pagnakikinig ka ng love songs. yung tipong "relate much" ka sa kantang pinapatug-tog mo. may ilan na nage-emote dahil nabroken hearted, may ilang namimiss ang kanilang mahal sa buhay na nasa ibang lugar o sa ibang bansa, at may ilang umi-ibig ngunit di maamin sa kanilang ini-ibig. may ilang sigurado na sa taong kanilang pinili, kaya masasabi na nila sa partner nila na "ikaw ang sagot"







sana lang mahanap ko na ang taong para saakin... maghihintay ako para sa pagdating nito.

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

PUSONG NADUDWAG

ilang beses na bang tumibok ang puso mo? ilang beses kana bang nagmahal? minsan tinatanong ko rin ito sa aking sarili. ilang beses ko na nga bang naramdaman ang umibig, oh naramdaman ko ba talaga ito?




aaminin ko, natatakot ako. natatakot akong magkamali ng taong iibigin. lahat kasi ng mga kaibigan kong dumaranas ng kalungkutan ng dahil sa pag-ibig ay nagku-kwento sakin. at base sa sa mga kinukwento nila, sobrang sakit ng kanilang pinagdaanan. may ilang iniwan ng di nila alam kung bakit. mayroon ding mga pinagpalit sa iba, yung ilan naman ni-reject ng taong kanilang iniibig. sa mga ito ako nagkakaideya kung ano ba talaga ang meaning ng love, masaya ngunit masakit paminsan-minsan. pero hindi ko naman sinabi na hindi na ako iibig, dahil hindi lahat ng sandali ay malungkot. may mga pagkakataon rin na masaya ang isang relasyaon. kaya masasabi ko na siguro di pa huli ang lahat para sa akin. sana kapag dumating na ang araw na umibig na ako, sana di ako iwan ng mag-isa. at handa akong maghintay para sa tamang tao, tamang panahon, at tamang pagkakataon.

Martes, Nobyembre 12, 2013

MY LOVE FOR YOU IS REAL




 I
 today i'm thinking of you
 and i wish that you too
 in my heart theres only you
 hope you feel the same way too

 II
 i dont know what to do
 i think i'm fall in-love for the first time
 babay for you i do,
 i do anything to make you stay

CHORUS
 give me a chance to prove to you
 that i'm the one you're looking for
 baby its true when i say to you
 that my love for you, is real

 (REPEAT II)

 (REPEAT CHORUS)

 i hope that someday, you will love me too

 (REPEAT CHORUS 2x)

PAG-IBIG NA KAYA








napakasaya pagnalaman mo na mahal ka ng isang tao, lalo na kung may pagtingin ka rin sa kanya. may ilan na malakas ang loob magsabi ng kanilang nadarama, pero may ilan namang hindi ito magawa. minsan napapaisip ako, bakit may ilang mga tao na kung kaylan ang pag-ibig nila ay alam na ng taong kanilang minamahal, dun pa sila lumalayo. siguro dahil takot silang mareject. sabi nga nila maaari mong malaman na gusto ka ng isang tao kung nage-effort talaga siya para mapasaya ka lang. kahit minsan di niya kayang gawin, para sayo gagawin niya. minsan nahahalata muna na may pagtingin sayo ang isang tao, ngunit di mo pinapansin kasi ayaw mong mag-assume. marami pa akong di alam sa pag-ibig, maybe its because wala pa akong experience about love. pwde kayong mag-comment if you want to share anything you know about love. thanks for reading.

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

MAHAL MO BA AKO...YUNG TOTOO..



masarap mag-mahal, lalo na kung ikaw ang minamahal. palagi kang may kasama pag malungkot ka, kapag masaya ka, at minsan pag may problema ka. pero hindi lahat ng nagmamahal ay nagiging masaya. may ilan na nasasaktan ng dahil dito.


karamihan ay iniiwan ng taong kanilang minamahal. ang iba naman ay hinahadlangan ang pag-iibigan. ang tanging payo ko lang ay piliing mabuti ang taong iyong iibigin upang di ka magsisi sa huli. kaya wag magpadala sa bugso ng damdamin upang sa huli hindi ka lumuha. malalaman mong hindi seryoso sayo ang isang tao kung sa una palang di na siya nagpapakita ng pagmamahal sayo. tulad ng di paggalang sa iyong nararamdaman. at tyaka mararamdaman mo naman iyan eh. pwera nalang kung manhid ka. lilipas din ang sakit na iyong nararamdaman sa pamamagitan ng mga taong nasa paligid mo. baka malay mo yung taong di mo inaasahang mamahalin ka, yun pala ang taong magpapasaya sayo. kaya wag mong isara ang isipan at damdamin mo.

Martes, Nobyembre 5, 2013

NANDITO LANG AKO

                  NANDITO LANG AKO
                                                               composed by:GERON DE VERA



I
nadarama ko ang takot sayong puso
na baka ika'y masaktan lamang muli
ngunit wag kang mag-alala, di ako katulad niya
na ika'y iniwan lang ng basta-basta, kaya giliw

CHORUS
wag ka nang mangamba oh aking sinta
nandito lang ako
di kana luluha pangako sayo
nandito lang ako
mamahalin kita ng buong-buo, di kita iiwan
iingatan kita oh mahal ko nandito lang ako
para sayo..

II
bigyan mo lang ng pagkakataon
na ipadama sayo ang pagmamahal ko
sayo ko lang natutunang magmahal ng totoo
maniwala ka pag sinabi ko ito, oh giliw

(REPEAT CHORUS)

III
magtiwala ka lang pagsinabi kong
nandito lang ako
iaalay sayo buong buhay ko
dahil nandito lang ako
ohh....

(REPEAT CHORUS)



ANINO NG KAHAPON



                             tuwing maglalakad ka sa gitna ng sikat ng araw, mapapansin mo ang anino mo.kahit 
    anong gawin mo hindi parin ito nawawala sa likuran mo.kahit tumakbo ka, nandyan parin siya. pwera
    nalang kung pumunta ka sa lilim. 



kung iisip natin, ang anino ay sumisimbolo sa ating madilim na kahapon. kahit anong iwas
natin dito, patuloy parin ito sa pagsunod sa atin. lalo na kung ang sakit na naidulot nito ay parang
matinding sikat ng araw na tumatama sa balat mo. maraming tao ang hindi makaiwas sa kanilang
anino ng buhay sa maraming dahilan, maaring dahil sa sila'y may broken family o dahil sa kanilang
dating pag-ibig na ibinigay nila sa taong di karapat dapat. di na talaga natin maalis pa ang aninong
ito sa ating buhay. ngunit sa tulong  ng mga taong tunay na nagmamahal sayo, kahit na papano
magliliwanag na ang iyong buhay at unti-unting maglalaho ang masamang anino ng iyong kahapon