aaminin ko, natatakot ako. natatakot akong magkamali ng taong iibigin. lahat kasi ng mga kaibigan kong dumaranas ng kalungkutan ng dahil sa pag-ibig ay nagku-kwento sakin. at base sa sa mga kinukwento nila, sobrang sakit ng kanilang pinagdaanan. may ilang iniwan ng di nila alam kung bakit. mayroon ding mga pinagpalit sa iba, yung ilan naman ni-reject ng taong kanilang iniibig. sa mga ito ako nagkakaideya kung ano ba talaga ang meaning ng love, masaya ngunit masakit paminsan-minsan. pero hindi ko naman sinabi na hindi na ako iibig, dahil hindi lahat ng sandali ay malungkot. may mga pagkakataon rin na masaya ang isang relasyaon. kaya masasabi ko na siguro di pa huli ang lahat para sa akin. sana kapag dumating na ang araw na umibig na ako, sana di ako iwan ng mag-isa. at handa akong maghintay para sa tamang tao, tamang panahon, at tamang pagkakataon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento