masarap mag-mahal, lalo na kung ikaw ang minamahal. palagi kang may kasama pag malungkot ka, kapag masaya ka, at minsan pag may problema ka. pero hindi lahat ng nagmamahal ay nagiging masaya. may ilan na nasasaktan ng dahil dito.
karamihan ay iniiwan ng taong kanilang minamahal. ang iba naman ay hinahadlangan ang pag-iibigan. ang tanging payo ko lang ay piliing mabuti ang taong iyong iibigin upang di ka magsisi sa huli. kaya wag magpadala sa bugso ng damdamin upang sa huli hindi ka lumuha. malalaman mong hindi seryoso sayo ang isang tao kung sa una palang di na siya nagpapakita ng pagmamahal sayo. tulad ng di paggalang sa iyong nararamdaman. at tyaka mararamdaman mo naman iyan eh. pwera nalang kung manhid ka. lilipas din ang sakit na iyong nararamdaman sa pamamagitan ng mga taong nasa paligid mo. baka malay mo yung taong di mo inaasahang mamahalin ka, yun pala ang taong magpapasaya sayo. kaya wag mong isara ang isipan at damdamin mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento